Naglalakad na amats. Sabi ko hindi na ako iinom. Pero nagyaya si
Dherick. Ganito ang nangyari.
D: Inom tayo. Sama ka.Anje: Ako?! D: *tungo*
Anje: Sige sama ako pero hindi ako iinom.
Asa pa. Dahil sa dakilang Extra Joss with Red Horse ni Chibz, at bigay na bote ni
Lexa. Tatanggi pa ba ako? At ang nangyari? Karma's a bitch. Sabi ko hindi na ako iinom. Ayun. Nung pauwi na ako, natulog ako sa bus. Gumising ako nasa Coastal na. Sabi ko sa sarili ko, "Nyak Coastal pa lang pala. Makatulog nga ulit." Ayun. Wala akong malay.
Conductor: Ma'am, saan po kayo dapat bababa? Nakatulog na po yata kayo. Papunta na po kami sa paradahan ng bus.Anje: Ahh. Southland. HAHAHAHA. Oo, nakatulog.Conductor: Lapit lang yun Ma'am. Lakarin niyo lang po.Hindi ko alam kung Moonwalk yun. Basta. Tinamad ako. Nag-jeep ako. Ang init eh. Ang saya palang mawala. :))
Mga murahan sa paglalakad. Umagang-umaga nagmumurahan na mga tao. Pano, yung bus na sinaskyan ko eh muntikan na masagasaan yung isang nagmomotor.
Nagmomotor: ANG YABANG MO AH!Bus driver: GAGO KA!Kanina naman, nung pauwi ako...
May taxi na tumatabi sa may paradahan, eh may lalakeng padaan.
Lalakeng padaan: *tinuro at inangasan*
Taxi driver: (malamang hindi ko nakita kasi nasa loob sya at mabilis yung sinasakyan kong bus.)
Yun lang. Bow.
Naglalakad na limewire. Inumpisahan ito ni Angel. Magaling. May iPod video kasi siya. Take advantage din kasi nga daw may DSL na kami. Kung sa bagay, may point siya. Ayun, nagpapa-download na sa akin ng mga videos at mga kanta. Eh sorry siya hindi Limewire ang gamit ko. Hindi ko ma-gets yung Java shit sa Limewire na yan at hindi ko madownload-download. Next? Si Wrap. Kanina, binigay niya yung flash drive niya sa akin, nagtataka ako kung bakit. Yun pala, papadown-load daw. Sorry din siya, sa
aimini ako kumukuha, konti lang tuloy nakuha ko. Haha. Masyado kasing advanced mga songs niya eh. Hindi pa lumalabas. At ang huli? Si
Joanna. Nice Joanna. Nagpasend sa akin ng mga La Salle chever. Ayos. Dakilang naglalakad na ako na limewire.
Isa pa. Napapansin ko sa jeep na tamad talaga mga Pilipino. Yung tipong, yung inaabutan ng bayad para ibigay sa driver, ayaw pang kunin. Magpapakiramdaman muna sa mga iba kung kukunin o hindi. Sus. Hindi man lang nahiya. Will it take a lifetime for them just to get that effin coins? GRABE. Ganun na lang, kinakatamaran pa. Tapos reklamo kayo ng reklamo na walang kwenta ang gobyerno at walang pagbabago sa bansa. Eh ultimo kayo, tamad. Ultimo kayo, puro sisi at reklamo kaysa sa inyo mag-umpisa yung pagbabago. Taena. Ako lang ang may karapatang magreklamo dahil may ginagawa akong pagbabago! Haha.
Maikling silip sa aking buhay pag-ibig. Kanina sa Dynarel, may acitivity kami na sa isang short bond, yung left part, de-describe mo yung family mo. Sa right naman, magsusulat ka ng letter sa isang taong nakasakit sa'yo, o pinagalit ka. Basta parang ganun. Tapos sa letter na yun, sasabihin mo yung gusto mong sabihin dun sa taong yun. Kung paano ka niya sinaktan and stuff. Syempre, siya ang nauna kong naisip. Eh di yun. Mangiyak-ngiyak ako kanina nung sinusulat ko. Buti andun mga kaibigan ko.
Natatawa nga ako sa kanya kagabi kasi biglang nag-pm siya tapos sabi niya, "talaga lang ah. hahaha." Ang sinasabi nya pala eh tungkol sa isang bulletin post ko sa Friendster. Yung, 'Do you always tell your feelings or hide them?' Parang ganun, tapos sagot ko, 'YEP' parang ganun din yata. Tapos hindi siya naniniwala. Mali sinagot ko kagabi. Dapat sinagot ko siya ng,
"Eh kasi, I just share my feelings to those people who'd listen and understand what I feel. Ayoko mag-share sa mga tao yung parang isip-bata kausap at walang kwenta lang mga sinasabi mo. Mga insensitive."Diba? Sayang. Hindi ko naisip sabihin yun. Tama naman ako. Kaya wag siyang magtaka bakit hindi ako ganun sa kanya, kasi alam ko na pag may gusto akong sabihin sa kanya, binabalewala niya lang, o ayaw niyang intindihin o nagpapakaisip-bata siya o bitter siya. Ay oo, tama. Balewala na pala ako, so why am I still talking about it?
Tapos nung kinamusta ko si Lola kanina, kinamusta niya rin siya. Kung nagkikita pa raw ba kami and stuff. Sabi ko hindi na. O nagkakatext. Haha.
Tska sa tingin kong okay naman sya at masaya. Alam kong masaya siya palagi pero, ang sinasabi kong kasiyahan niya eh yung ibang taong nagpapasaya sa kanya. Okay na yun. At least diba masaya siya sa kanya kaysa naman sa akin tapos nasasaktan lang? Wag na uy. Magpakasaya na lang siya. Naka-naks. Iba na. Ganun lang yun. Parang nanaginip lang. Okay lang. Sanay na ako. :))
Tama sila, tama na yung pag-aantay ko sa wala.
May mas deserving para sa kanya, AT. HINDI. AKO. YUN. PERIOD.
Tama na ito, wag na muling pag-usapan. Move on horseshit, move on. :)
Akala ko MAIKLING SILIP? Mukhang lahat eh :))
At napasin daw nilang lahat, ang hilig ko daw sa mga immature?! OO NGA! HUWAYYY :( HAHAHA! Mukhang yung susunod, sobra naman sa pagka-mature. Lol. :|
WAAH, tama na Anje. TAMA NA.
Labels: dialogues, drama, inom, iskwela, kalye, kanta, pag-ibig, reklamo
Tsi-tsinelasin kitang hayop ka!
Monday, October 20, 2008
Hindi ko alam kung bakit ang daming nagkakandarapa dito.
Oo, alam kong matagal na ito. At wala ako nito.

Una ko itong nakita sa magasin, Pink yun issue ng April 2005. Si Bianca Gonzales yung cover girl. Nagandahan ako, pero hanggang dun na lang. Naisipan ko rin bumili, pero hanggang dun na rin lang.
May isang pangyayari. Isang kwento ng aking kaibigan. Habang nasa Town daw sila, naka-uniform pa sila nun, so malamang, kilala naman ng mga tao ang uniform ng Zobel diba. Anyhoo, pinagtatawanan daw siya at ang mga kasama niya na parang ganito,
"Ngek, bakit naka-tsinelas lang sila? Diba mga taga Zobel yan? HAHAHA." aba. Akala mo kung sino. Haha. Hindi nila alam, P900+ ang halaga ng suot nila. Hayup. Pahiya na siguro yung mga yun ngayon.
Pag tinatanong ko yung mga tao bakit gustung-gusto nila ang Havaianas, sinasabi nila malambot daw sa paa. Oo, sang-ayon ako dun.
Pero sa dami na ng gumagamit ngayon, nakakairita nang tignan. Ako kasi yung tipo ng tao na pag masyado nang maka-masa ang isang bagay, pinandidirihan ko na. Tulad lang ng mga banda tapos yung mga kanta nila, yung tipong patok na patok sa kanila, eh para sa akin laos na, laspag na o sobrang nakakasawa nang tignan. In short,
posers.
Pwede mo ring sabihin na posibleng poser din ako dahil mas prefer ko ang mga nasa baba, kaya lang, mas konti naman ang mga gumagamit at hindi nakakadiri! Hindi ka mukhang total poser. Haha.
Mas prefer ko pa sa inyo ang Ipanema, Billabong, Roxy, o Quiksilver.
(huwag niyo lang ilalapit ang mga yan sa alaga niyong aso, dahil ang isa kong Billabong eh kinain. Punyemas. Naawa sa akin at may tinira pa, kinain niya lang yung potaenang strap.)
Oo, Ipanema at Billabong lover ako eh. Hindi naman sa ayaw ko ng Roxy pero masyadong
FOR GIRLS talaga. Gusto ko yung medyo maangas. Haha.
Ito pa yung nakakatawa, ang dami na ring nagbebenta ng mga fake board shorts, shirts at trucker caps or caps. Gulat nga ako pati jacket meron na eh. Whew. Wadapak. Tapos malamang, ang dami nang posers ang nagsusuot. Kakalungkot. Tsk tsk.
Minsan naman pag nakasakay ako sa bus, tinitignan ko yung mga suot ng mga tao. Ang dami na nga talagang naka-Havaianas. Or Havs, ang tawag namin. Parang ewan ko kung peke mga suot nila, wala kasi sa itsura nilang sosyal sila.
HAVANA. HAWAIANAS. Ang daming eklavoo. Sa mga tiange. Haha. Fake kung fake.
Bottom line: Maging kakaiba ka kahit papaano. Hindi lang sa materyal na bagay, kung hindi pati na rin sa pananaw sa mga materyal na bagay. Maging praktikal. (parang praktikal ako. Haha. Ang gastos ko nga) Pero, I mean, hindi porkit yun yung uso, game ka na. Ako, binibili ko yun Ipanema at Billabong kasi quality ang habol ko, hindi dun sa popularidad ng footwear na yun. Tska ayoko talaga yung madami nang gumagamit! Nakakadiri! Haha (parang sinabi ko na rin yan kanina.)
Be unique. Be Practical. Be nondo. :| Be Happy. Sa Jollibee. :))
Labels: kagamitan, reklamo, tao
@ 10:43 PM
Bakit puro sila kalungkutan kung kailan ako masaya?
Saturday, October 18, 2008
Uumpisahan ko na.
1. Namatayan.Hindi ko alam bakit ang daming namamatayan ngayon? Nung nag blog-hop ako, nagulat ako kasi namatayan si ate Meyang at kuya BertzB. Sobrang nakikiramay ako. Double kill pa yung kay kuya BertzB. Sinabi ko sa kanila na nasa mas magandang lugar ang kanilang mga minamahal at dapat huwag silang mag-alala.
(kung namatayan ka rin, taus-puso akong nakikiramay.)
2. Pag-ibigSabi sa akin ni Aaron na tuwing Oktubre daw eh talagang EMO-slash-HEARTBREAK season-slash-bigo-slash-yun. Totoo daw kasi Oktoberfest daw. Tarush. Pero totoo nga. Hindi ko na mabilang yung mga kaibigan kong namromroblema sa pag-ibig. Pati ako nga itong buwan na ito eh, pero naging ok naman ako, (kahit konti. dinadahan-dahan ko lang. masakit eh.) Yung isa ko namang blockmate ang kulit, ayaw makinig sa amin. Sinasabihan na namin sya na iwanan na niya dahil parang ginagago siya eh. Bri-neak nga nya, tapos nakipagbalikan ulit. Ayaw nya maniwala sa akin, at sa iba pa. Mga expert na kami sa ganyang balikan ng bonggang bongga. Walang patutunguhan yun. Hindi ako naniniwala sa
"Love is sweeter the second time around." Fuck that. Haha. Pag iniwan mo, o pag iniwan ka nya, tama na yun. Wala nang second round-second round. Lalo lang lalala. Swear. Proven na. Ilan na kaming ganyan. Sabi ba naman ni Aaron sa akin,
"Ha? Anje? Ikaw ba yan? Nagbibigay ka na ng ganyang advice? Parang nung binigyan ka namin ng advice dati ayaw mo sundin, tapos ikaw pa ngayon yung ganyan! Wow!" HAHA. Pati nga ako nagulat sa sarili ko eh. Natututo na rin ako. Pero okay na naman ako ngayon. Wala na ULIT na bitterness. :D we're better off as friends talaga, pero wala naman siguro akong pinagsisisihan. Siguro mas gusto ni GOD na friends kami kasi dun kami mas maayos, at dun kami nag-umpisa. Pero gusto nga siyang banatan eh, sabi ko wag na. Haha. Naka naks. Reflection ah. O sha, tama na yan. Mukhang ako na yung hot seat.
3. PagkakaibiganNababadtrip talaga ako sa best friend kong yun. Honestly, I was so dissapointed. Isipin mo ba naman, nagpakasal na pala ang loka na hindi man lang namin alam?! Lahat kami gulat na gulat. Sa tagal niyang hindi nagpaparamdam, bigla na lang ako i-aadd sa Multiply, tapos pagkakita ko sa mga litrato, TARANNN! Kasal na siya mga kaibigan! Leech! Pero I'm happy for her naman kahit papaano. I should be. We should be.
4. BlockmatesMahal na mahal na mahal ko sila. Ang MF1J. Kaming lahat ay nalulungkot at ilang buwan na lang, magkakahiwa-hiwalay na kami. Parang di namin kakayanin. Gagawa kami ng paraan para magpare-pareho ang mga sched namin. Naiiyak na ako. Parang pamilya ko na rin sila. Nakita na nila ako sa best ko, lalung-lalo na sa worst ko. Minsan lang yung ganun, yung pinapakita ko ang worst ko sa mga tao. At ang mga taong pinapakitaan ko ng ganun eh mga, sureball mahal ko talaga.
5. Ekonomiya (kahit saan)
Halos lahat na yata ng bansa nagkakaproblema na. Ewan ko ba. End of the world na yata. Haha. LAUGHOUTLOUD. Err. Pero wag mawalan ng pag-asa. Nandyan pa si Batman. Ay shit, si Chris Brown na pala ang bago kong hero.
On the lighter side, di naman maiiwasan hindi maging malungkot pero lagi naman may kapalit yang kasiyahan. At sasaya na ang pag-uusapan. Ito na.
Speaking of Chris Brown, adik na pala yun?
Bakit?
Sabi niya,
"I need shabu. I gotta see shabu..."Ang baduy noh? Pero benta sa akin. Magkano? Tatlo dos.
Haha. Mag-aaral na akong mag-drive next week after ng midterms ko. Actually, kaninang umaga nga yung isang subject. Pasado ako kahit nag-party ako kagabi. Pero nabababaan ako. Sabi sa akin ni ermats na kung nakapag-aral pa raw ako ng mas matagal eh di sana tumaas pa ng konti. Hayy. Salamat nga pala kay Jerome, sa inumin at pagkain. Pero hindi ako uminom. Oo.
Clean living na ako. HIMALA. Hindi ako nakipagkodakan eh. Nagmamadali kasi ako. Tska gusto ko sulitin ang oras na makakasama ko ulit sila. :)
AT ANG NAKAKATUWANG NAKAKALUNGKOT?
Hindi na kami nag-uusap ng tulad ng dati. Yung tipong nagkuwe-kuwentuhan kami. Ewan ko. Sa ibang upuan na siya umuupo eh. Pero ito yung weird eh, parang nami-miss nya akong ewan. Ewan ko ba. Mga lalake talaga ang lalabo. Haha.
Monday, pauwi na ito.Candyman: Hi Anje.Anje: *nagtaka, kumaway at sabay*
Hi.
(kilig nanaman ang lola mo.)
Friday, Filip time.Candyman: Anjeeeeeeeeeeeeeeeeee!Anje: Sorry naman.
(sinigaw niya kasi pangalan ko, hindi ko narinig na tinatawag pala ako ni Ms. aba aba. pinaglitan ako dahil mukhang madaldal ako. Nagulat ako. Bakit nya ako tinawag?)
*Tapos meron naman times na may pinapaabot sa akin yung mga papel papel, kinukulit nya akong tinatawag na ewan. Basta. Hindi ko ma-describe. Haha.
* Tsaka ewan ko ba, parang lahat ng sinasabi ko o gawin ko, pinapakelaman niya. Hindi ko alam kung bading sya o ano eh. React din ng react. Hmmm? HAHA. Kilig naman ang lola mo.
Tapos si *o**, mukhang okay na kami. Nagulat nga ako at nag-hi siya ng naka-smile. HAHA.
Nabunutan na ako ng tinik. Except dun sa best friend kong nagpakasal na hindi pa ako kinakausap kahit sa ym man lang. Talaga naman.
Labels: beerday, buhay, dialogues, jokes, kaibigan, kalinisan, kalungkutan, kasiyahan, kilig, pag-ibig, pagkain
@ 6:01 PM
Sabugan na ng utak, kahit walang laman.
Thursday, October 16, 2008
Bago ang lahat, nagpapasalamat ako kay
Cez! Arriba Cez! :))
Dahil, binigyan nya ako ng award. Wow. First ever award ko 'to ah. Sa daang taon na akong nagblo-blog, first time talaga! Salamat salamat! :P

Once accepting this award, the rules are as follow:
1. Put the logo on your blog.
2. Add a link to the person who awarded you.
3. Nominate 10 other blogs.
4. Add links to those blogs on yours.
5. Leave a message for your nominees on their blogs.
At ang mga nominado? Saka na pag sampu na sila. Tatlo pa lang ang cool para sa akin sa ngayon eh. :))
Takdang-aralin. Assignment. Homework. In other words,
impiyerno.
Algeb - Exercise 2.5, #s 2-60, even numbers.
Nung nakita ko, natuwa ako kasi nadalian ako. Eh di sagot na ako ng sagot. Dire-diretso. Sisiw sa akin. Pero, lahat ng kayabangan na uuwi sa kabangengehan. Nung nasa number 32 na ako, pahaba na ng pahaba. In short, pahirap na ng pahirap. Ayun. Bangenge galore. Hindi ko na sinagutan hanggang 60. Bahala na kung sino man ang nakasagot na genius bukas. Classmating na 'to.
Dynarel - outreach reflection.
Syempre, binola ko nanaman. Ganun lang yun.
Filip - 1935-1936 na mga pangyayari na may kinalaman sa wika.
Hindi pa naman ako buhay nito. Ewan ko ba. Google mode. At ang pinakamasklap na ginawa ko sa homework na yan? (na mukhang project kasi dapat itsurang portfolio), nag-translate ako! Leche! OO! English to Filipino! Hindi lang nosebleed! Bleednose pa! Amp!
NSTP timeNag-doodle lang kami. Actually, nagsulat-sulat kami ng mga hinanakit na inumpisahan ni Chibz. Tungkol ito sa pag-ibig. Hindi kami bigo dahil hindi nabibigo ang mga nagmamahal ng totoo! Haha! Tama ba? Anyhoo, umikot lang ang papel as akin, Chibz, Joanna, Rap, Rachelle, Dherick, Bok, Jolo at Mike. Mga tipong ganito:
Chibz: something something about Dherick, but she will scream Chibby. (haha! basta nakalimutan ko na at bastos eh. lol. nakakalimot ako ng bastos?!)
Anje: Don't ever play love with someone who plays it better ;)
My mind told me not to listen to my heart, that's why I stopped thinking :)
I've met an angel who rocks even in hell.
Joanna: I'm not bitter, I'm better.
Rap: What's wrong with being number 2?
Rachelle: If she finally forgets you, don't you dare remember me.
Dherick: Hell is nothing when you know you have an angel to keep.
Bok: (sa sobrang haba, hindi ko na maalala sinulat nya.)
Jolo: (nakalimutan ko na din. basta andun si GOD something. haha)
Mike: Don't hate the player. Hate the game.
Ang aangas diba? Malupit yung kay Rap eh, yung iba. Puro kabastusan. Haha!
No Damascus or No Natsci?Actually, name ng street ni Jerome yan. Sobrang nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung makakapunta ako sa party nya bukas :( Hayy. Minsan na nga lang kami magkita. At ang dahilan ko? May pasok ako ng 8-10am bukas. At ito pa, midterm sa Science. Napamura ako kanina kasi kanina ko lang naisip na oo nga noh, hindi pa pala ako nag-aaral at hindi pa ako nagpapaalam 0.0
Ang centipede ni Joanna at TereSa sobrang boredom kanina, nag-centipede jokes ang dalawa. (mukha na nga silang centipede eh) At syempre, ipapamahagi ko ang mga jokes na natatandaan ko. Haha.
* Inutusan ni ermats centipede si anakis centipede na bumili ng something sa tindahan. Nairita si ermats centipede. Natagalan sya. Ayun pala, nagsasapatos pa si anakis centipede.
* Sa school, pinakanta sila ng I Have Two Hands. At paano nila kinanta?
I have two hands, the left and the right the left and the right the left and the right.... (oo, paulit-ulit.)
* Diba 100 ang paa ng centipede? Paano naging 98? Eh, tumawid kasi siya.
Hindi ko naman sinabing kailangan ang pagtawa mo sa mga nabasa mo. Wala lang.
Labels: beerday, iskwela, jokes, mf1j, pag-ibig, reklamo
@ 10:13 PM
Limang Krisis
Monday, October 13, 2008
Maraming klase ng krisis, at ang mga sasabihin ko eh...
1. Krisis sa ref namin. Sino ba ang matutuwa na sira ang ref niyo? Dalawang araw na! Ngayon ko lang nalaman ang halaga ni Mr. Whirlpool. Taena. At ang kinakatakutan ko? [naaalala ko yung prof namin sa Filip, si Ms. Catacutan hahaha], na matunaw ang isang box ng Snickers na padala ng erpats ko! Anak ng shower naman! Hindi ko yata kayang kumain na tunaw na Snickers. Ang paborito kong tsokolate. Ito pa yung malubha eh, nagbabaha pa sa indoor kitchen namin! So kabilang na yung tumutulo sa kwarto ko, at kabilang na yung utak kong may tulo, bahang-baha na dito! Treatment ko nga ang tubig pero hindi ko sinabi na ubusin ang kagamitan sa bahay namin gamit ang punyetang tubig!
Good news. Nag-order na si ermats ng ref. Dadating na yata bukas. Hay salamat.
Baka bad news. Baka naman pagdating nung ref eh tunaw na ang papa Snickers ko. Huhu :(
2. Krisis ng kuryente
Okay din prof ko sa Natsci eh. Kailangan daw mabawasan ng P500 ang bill ng kuryente namin. At kapag nabawasan yun, exempted kami sa finals. WOW pare bigat!
Ang ang nakakaasar? Kinabukasan, binalita sa radyo na magtataas ang singil ng kuryente.
ISA PA. WOW PARE. BIGAT.
3. Krisis sa aking pangalan Hindi ko alam bakit may mga tao paring nagkakamaling i-spell ang dakila kong pangalan! Dalawa lang naman ang tamang spelling eh!
ANJE at
UNJEH. Mahirap bang tandaan yun?! Naalala ko tuloy sa Zobel, nakailang-reco na kami't lahat, may mga batchmates parin akong hindi marunong i-spell ang pangalan ko. At, akala ko mawawala na sa college yun, pero hanep mga panget! May
ANGE parin! Anak ng shower kayo!!
4. Krisis sa pagka-Berde Hindi na talaga matatanggal ang trademark kong yan. Konektado sa maling pagka-spell ng aking pangalan, kung anu-ano ang mga sinulat ng mga blockmate ko sa akin. [nagka-activity kasi kanina sa Dynarel, bibinyagan daw o i-dedescribe ang blockmate, chever chever basta ganun]
At ito ang kanilang mga sinulat: (yung iba, pare-pareho lang)
funny/kind = TOTOO, TOTOO. HAHA. |
Ange the green = maling spelling, kakasabi ko lang |
the green archer |
anje the happy -go-lucky |
helpful and advicesable person = TOTOO, TOTOO! HAHA wrong spelling pa amp |
the kind |
Anje the green |
Anje "the goddess" |
Unjehbs |
Anjerware Anjies |
approachable = wah, pag uutang sila haha |
Anjelibog! blogger = tumama na din |
Unjeh the blogger |
Anje Anjeloserrr! Anjeloserness of losers HAHA = malamang si Dherick naglagay nyan, amp |
Like a virgin = si Chibz nagsulat nito |
Anje the green headed freak = kailan naging berde ang kulay ng ulo ko? |
Anje the green!! |
Anje the green-lover |
Anje the berde |
Green? = aba nagtanong pa |
Greenergy = mga apat nagsulat nito |
Sweet... sweet GREEN |
simple conservative = TOTOO! WAHAHA |
Anje "green-minded" "lasalista" | greenminded | UNJEHWEAR THE BLOGGER = mali pa, si Sam nagsulat nyan |
green |
AnjebsPansin nyo? Kulang na lang ilagay nila yung Greek, Hebrew, Chinese, Japanese at African word ng GREEN? Amp.
5. Krisis sa pag-ibig Sa sinabi ko nga sa huling post ko, pag tinignan mo ang YM ko ngayon tapos yung mga stat ng mga tao, HEARTBROKEN. EMONESS nanaman. Haha. Tapos ang stat ko ngayon, "Why is everyone HEARTBROKEN?!", nag-react naman si
Sam at
Nando na hindi naman daw. Haha. Sabi ko, mostly lang :) tapos tinanong ako ni Sam kung heartbroken ba daw ako, sabi ko wala akong paki. :))
Hindi lang yun, mga kaibigan ko talaga, seryoso. Sinira o nanira ng puso. Hayyyy. Mag-aral kasi muna! (yuck, parang totoo lang. haha) inuman na lang!
3 YEARS & 4 MONTHS counting na kami ng twin soul ko <3 0=)
Libing kanina ni lola Juliana :( hindi ako nakapunta pero ipagdadasal ko naman
Nagpapasalamat ako kay Karla sa pag-adjust kagabi ng layout ko para sa multiply. :)
At umuulan. Shower talaga. Anak ng shower.
Labels: bahay, berde, iskwela, kagamitan, kaibigan, krisis, mf1j, pag-ibig, pangalan, reklamo
@ 7:38 PM
Balik-loob
Sunday, October 12, 2008
Ewan ko ba. Bago nanaman. Nahiligan ko nanamang mag-Blogspot dahil DSL na kami. Whoo! Palakpakan mo naman ako! Maging proud ka sa aking hayop ka! Sana'y matuwa ka sa bago NANAMAN na blog ko. Amp.
Nahirapan din ako sa header. Wala kasi kaming Photoshop. Taena naman, hindi ko kasi makita yung CD. Errness. Pinagtiyagaan ko na lang tuloy ang punyetang Powerpoint. Haha. Pwede na din. Edit-edit na lang. Kawawa naman akong bata.
Anyhoo, ayun. Hindi ko alam bakit ang daming tao ngayon na problemado sa pag-ibig. Una, ako, as usual, pero nakakapag-cope up naman ako kahit papaano. Ang masakit, yung apat kong matatalik na kaibigan. Hayst. Panahon yata ng mga bigo ngayon. Pero sa totoo lang, tama sila. Kung hindi ko sila sinunod, eh di hindi ako natuto. Ang kulit ko kasi. Tang ina, tama na nga yang pag-ibig na yan. Sumasaya na ako! Tska andyan naman si you know who :">
At advice lang sa mga nalilito, huwag ninyo ako gayahin. Bumibigay kaagad. Kailangan niyo talaga pakinggan yung puso niyo kasi dyan nanggaling ang lahat. Ako kasi nung huli, utak ginamit ko. Ayan, nagkanda gagu-gagu na. Haha. Tska bakit puso kaysa sa utak? Haller naman. Yung puso yung koneksyon natin kay GOD, saan ka pa dba? :)
Hindi parin ako makapag-laro ng PSP. Sikretong malupit kung bakit. Mahabang istorya.
Pupunta na ako sa main na usapan. Naiirita ako sa isa naming prof. Kasi naman, kailangan daw namin makapag-outreach every week tapos magsu-submit ng portfolio every week din. Naisip-isip ko, hindi porkit sa Benilde ako nag-aaral eh kaya namin gastuhan yun. Hindi naman sa ayaw ko tumulong, pero there's a big difference between KINDNESS and PANG-AABUSO. Hay Inday. Tsaka, hindi ako naniniwala na guro siya. Diba nga dapat,
"I teach what I live, and I live what I teach". Sa case nya, sobrang baliktad.
Madaya din kahit papaano. Sembreak na ng ibang iskwelahan, at kami? ARAL PARIN! ANG SAYA DIBA? Pero sa totoo lang, mas gusto kong nasa iskwela ako. Bakit? Eh kasi mabilis ako ma-bore, at least pag nasa iskwela ako may mga kausap akong demonyo tska may mga kagaguhan ako. [dyan ako magaling. :))]
Nakakamiss na din mag-blog sa blogspot. At nakakamiss na rin basahin ang blog ng mga ka-berks ko. Haha. Sa susunod muli. Paalam! [parang Batibot lang]
Labels: iskwela, pag-ibig, pagsusulat, reklamo
@ 7:21 PM